Nanindigan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posisyon nito na protektahan ang mga taong hindi kayang protektahan ang sarili, partikular ang mga menor de edad.
Sa kanilang pahayag, madalas aniyang magpahayag ng kalungkutan si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga hirap na nararamdaman ng mga inosenteng indibidwal.
Nilinaw din ng ahensya, na higit aniyang masakit na ang public figures pa mismo na dapat na siyang nakikipaglaban para sa kapakanan ng mga naaapi ang siya mismong nagbabalewala at sa halip ay pumapanig pa sa mga masasamang gawa.
Kaugnay nito, nanawagan ang DSWD sa lahat ng mga lider na manindigan kasama ng ahensya para protektahan ang kapakanan ng bawat kabataang Pilipino.
Naglabas ng pahayag ang DSWD habang patuloy ang manhunt operations ng mga tauhan ng Philippine National Police laban kay Pastor Apollo Quiboloy at ilan pang lider ng Kingdom of Jesus Christ na nahaharap sa mga kasong criminal. | ulat ni Rey Ferrrer