Kasabay ng pagbangon ng mga nasalanta ng habagat at Bagyong #CarinaPH sa Region 1, nagpapatuloy ang pamamahagi ng DSWD ng mga tulong sa mga biktima.
Batay sa pinakahuling ulat ng DSWD Field Office 1, nakapamahagi ang kagawaran ng 46,298 na Food and Non-Food Items na nagkakahalaga ng P36,263,911.01 sa mga naapektuhang local government units (LGUs) sa Rehiyon Uno.
Ayon sa kagawaran, aabot sa 112,579 pamilya na katumbas ng 419,638 katao ang naapektuhan ng naturang kalamidad sa rehiyon.
Sa ngayon, nananatili ang 24/7 na duty ng mga staff ng DSWD Field Office 1 at mga boluntaryong indibidwal upang matiyak ang mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga mamamayan.| ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo