Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pagpapalakas ng ahensya para sa job security ng mga empleyado nito na nasa contract of service (COS) at job orders (JOs).
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang ahensya ng gradual transition para sa COS at JOs upang magkaroon ang mga ito ng mas maayos at matatag na posisyon.
Sinabi ni Gatchalian, maglalaan pa aniya ng panibagong 4,000 contractuals para sa susunod na taon (2025) at karagdagang bilang pa ng contractuals para naman sa taong 2026 upang mas mabigyan ng stable job positions na may incentives at benefits ang mga empleyado ng ahensya.
Sa kasalukuyan, aniya may mga vacant regular position sa DSWD at may 8.6 percent nito ay dapat na punan ngunit hirap ang ahensya na makahanap ng qualified applicants.
Para mai-maximize ang employment para sa plantilla positions, makikipag-ugnayan ang DSWD sa Civil Service Commission upang gumawa ng guidelines na tutulong sa mga empleyado upang makapasa sa mga kakailanganing requirements para sa job item. | ulat ni Rey Ferrer