Tina-target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mapaiksi at mapadali ang pagpo-proseso ng aplikasyon para sa Sustainable Livelihood Program ng ahensya.
Ito ang tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kasunod ng interpellation ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo sa naging pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa 2025 proposed budget ng DSWD.
Ayon kay Sec. Gatchalian, makikipagtulungan ang DSWD sa Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang magsagawa ng capacity building para sa SLP beneficiaries na magbibigay ng tulong upang maging sapat ang kakayahan na makapagpatakbo ng negosyo o makapagsimula ng pangkabuhayan.
Binanggit din ng kalihim na ang ahensya ay naglunsad ng five-year livelihood sustainability plan para sa SLP na tinawag na ‘Sibol.
Bilang isa sa core poverty reduction program ng DSWD ang SLP ay patuloy na magbibigay ng livelihood capability-building program para sa mga mahihirap at nangangailangan upang makatiyak na masusustenahan ang kanilang kabuhayan at hindi na muling bumalik pa sa kahirapan. | ulat ni Merry Ann Bastasa