DSWD Sec. Gatchalian, muling nagbabala sa mga nagbubukas ng family food packs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagbabala ngayon si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kaugnay ng iligal na tampering o repacking ng family food packs (FFPs)

Sa ginanap na DSWD forum, iginiit ng kalihim na labag sa batas ang pagre-repack ng relief goods kasunod ng mga ulat na may mga nagaganap na repacking ng FFPs.

Dagdag pa nito, walang karapatan ang sinuman na mangialam at magbawas sa laman ng bawat food packs at ito ay dapat buong matanggap ng bawat benepisyaryo.

“The DSWD stands firm that we do not allow repacking. We are looking at the veracity of the complaints received through email, and other complaints that may arise,” sabi ni Secretary Gatchalian.

Sa ngayon, ongoing naman na aniya ang imbestigasyon ng DSWD sa mga napaulat na tampering sa family food packs.

Katunayan, iniutos na rin ng kalihim ang pagbuo ng komite na magsasagawa ng internal investigation.

Laman ng isang box ng FFP ay anim na kilos ng bigas, apat na piraso ng canned tuna, dalawang lata ng sardinas, apat na lata ng corned beef, limang sachets ng 3-in1 coffee, at limang sachets ng cereal drink. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us