Nagpaabot ng pasasalamat si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa naging hakbang ng ilang mambabatas para maibalik ang nasa P18-B budget-cut sa 2025 proposed budget ng ahensya.
Kasunod ito ng pagpapahiwatig ng suporta ng mga myembro ng House Committee on Appropriations para sa panunumbalik ng natapyas na pondo sa DSWD.
Sa budget presentation ng DSWD, sinabi ni Sec. Rex Gatchalian na nasa 7.5% ang tapyas sa 2025 budget ng kagawaran dahil sa mga adjustments ng mga proyekto sa ilalim ng ahensya.
Ayon naman naman kay Appropriations Committee Vice Chairman Jocelyn Limkaichong, maaaring magkaroon ng legislative coordination upang maibalik ang kabuuan ng 2025 DSWD proposed budget.
Ang DSWD, kabilang ang attached at supervised agencies nito ay may Php229.7 billion budget proposal para sa 2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa