DSWD, tiniyak na bukas ang tanggapan sa pagpapaabot ng tulong sa nangangailangan nang walang halong politika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang pinipiling tulungan ang DSWD.

Ito ay sa gitna ng naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na may mga tinatanggihan ang DSWD na tulungan na kanilang inendorso dahil aniya sa politika.

Giit ni Gatchalian, makikipag-ugnayan siya sa tanggapan ng
OVP upang mabigyang linaw kung ano ang nangyari at maimbestigahan.

Ngunit paalala ng kalihim, may referral man o wala ang
lalapit ay tutulungan ito ng mga social worker.

Nilinaw din ni Gatchalian, na lahat ng manghihingi ng tulong
ay dadaan sa masusing validation ng mga social worker. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us