Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin ang small and medium size enterprises (SMSE) para makatulong sa paglago sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni DTI Acting Secretary Cristina Aldeguer – Roque na kahit 10% lamang ng small and medium size enterprises ang mapalago ay malaki na ang maitutulong upang makalikha ng trabaho.
Giit pa ni Roque na kailangang palakasin ang SMSE kasama na dito ang digitalizaton o ang paggamit ng mga social media platforms at paggamit ng AI diversification
Gayundin upang matulungan ang SMSE sa pagpopondo sa pamamagitan ng DTI- Small Business Corporation, financing at ang pagbubukas din sa posibleng franchising sa mga negosyong maganda at pasok sa mga kumikitang payak na negosyo. | ulat ni Rey Ferrer