Employment rate nitong Hunyo, pumalo sa 96.9% — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking bilang ng mga Pilipino ang nagkatrabaho sa bansa nitong Hunyo ng 2024.

Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), sumampa sa 96.9% ang employment rate nitong Hunyo o katumbas ng 50.28 milyong Pilipinong may trabaho.

Mas mataas ito sa 48.87 milyon na bilang ng employed noong Mayo at 48.84 milyon noong Hunyo ng 2023.

Bumaba rin sa 3.1% ang unemployment rate mula sa 4.1% noong Mayo.

Katumbas rin ito ng tinatayang 1.62 milyong walang trabaho noong Hunyo.

Naitala naman sa 12.1% ang underemployment rate o mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan.

Kabilang naman sa mga sektor na may pagtaas ng employment ang construction, agriculture and forestry, wholesale and retail trade, accommodation and food service activities, at real estate activities. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us