ES Bersamin: Government action laban kay Pastor Apollo Quiboloy, di politically motivated

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangang gumulong ng hustisya.

Ito ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa gitna ng ginagawang paghahanap kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ambush interview sa Taguig City, nahingan ng reaksyon ang kalihim kaugnay sa mga alegasyon na politically motivated ang ginagawang paghahanap ngayon sa pastor.

“Alam mo, madaling sabihing politically motivated pero hindi naman totoo ‘yun,” —ES Bersamin.

Sabi ng kalihim, mayroong legal na paraan o batas na sinusunod kaugnay dito.

“The law must take its course. He is answerable to the law, the law must take its course. Meron namang process dyan.” -ES Bersamin

Kung matatandaan, pinaghahanap ngayon si Quiboloy dahil sa reklamong may kinalaman sa human trafficking. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us