Espenido, hinamon ng PNP na maglabas ng ebidensya sa alegasyon na pinakamalaking kriminal na sindikato ang mga pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinamon ng Philippine National Police (PNP) si Police Lt. Col. Jovie Espenido na maglabas ng ebidensya para patunayan ang kanyang alegasyon na pinakamalaking kriminal na sindikato ang Pambansang Pulisya.

Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na hindi nila malaman kung saan nanggaling ang pahayag ni Espenido laban sa PNP na lumikha ng pagdududa sa integridad ng buong organisasyon.

Binigyang-diin ni Fajardo na seryoso ang alegasyon ni Espenido, dahil hindi lang isang opisyal ang kanyang tinukoy kundi ang buong organisasyon, kaya kailangan niya itong patotohanan.

Tiniyak naman ni Fajardo na handa ang PNP na tulungan si Espenido na magsampa ng kaso kung mayroon siyang mailalabas na ebidensya laban sa sinumang pulis.

Gayunpaman, sinabi ni Fajardo na ang alegasyon ni Espenido laban sa PNP ay nagsisilbi ding hamon sa lahat ng tauhan ng PNP na paghusayan ang pagganap ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us