Executive assistant ni dating Presidential Spokesperson Roque, napaiyak sa ginanap na House Quad-Com

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napaiyak ang executive assistant ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na si Alberto “AR” dela Serna sa naging pag-usisa ng House Quad-Committee sa isinasagawang imbestigasyon in aid of legislation sa illegal POGO sa bansa.

Sa pagdinig ng Quad Com, napagalitan ni Abang Lingkod Representative Stephen”Caraps” Paduano si De la Serna dahil sa pagsisinungaling sa harap ng joint committee.

Sa interpellation ni Nueva Ecija Representative Mika Suansing, sinabi ni Dela Serna na siya ay umalis na sa POGO hub sa Porac Pampanga bago pa ang isinagawang raid ng mga otoridad, at nangupahan na lamang ito sa Clark malapit sa aviation school kung saan siya naka enroll.

Pero nang usisain na ni Rep. Paduano si Dela Serna, nabuking na hindi ito nangngupahan at nakikitira lamang umano sa isang kaibigan.

Napaiyak si Dela Serna nang usisain na ang pangalan at address ng kanyang kaibigan na kanyang tinutuluyan sa Clark Pampanga, at kung hindi naman nito sasabihin ay ipapa-contempt siya ng Quad-Comm.

Ipatatawag ng komite ang kaibigan na si “Emmanuel Jurcales” para dumalo sa susunod na joint hearing upang patunayan ang mga inilahad ng dating assistant ni Atty. Roque. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us