Lumagda si Finance Secretary Ralph Recto ng financing agreement sa pagitan ng South Korean government para sa Dumaguete Airport Development project at ang Economic Development Promotion Facility (EDPF).
Ang infrastructure project ay popondohan ng Export-Import Bank of Korea (KEXIM).
Ayon kay Sec. Recto, ang itatayong bagong paliparan ay inaasahang magpapalakas ng turismo sa lugar dahil kaya nitong makapag-accommodate ng 2.5 million na pasahero kada taon.
Ito ay nagkakahalaga ng P17.06 billion habang ang popondahan ng KEXIM ang P13.5 billion.
Ang bagong Dumaguete City Airport na may laki na 197.55 hectares na lupa sa Bacong, Negros Oriental ay tatalima sa domestic at international standards for operational safety and efficiency.
Dagdag ni Recto, mahalaga ang bago at mas malaking paliparan dahil nag-iisa lang ang major airport sa Negros Oriental.
Sa ngayon aniya, mas marami pang regional airports sa bansa ang planong isailalim sa upgrading para isulong ang paglago at modernisasyon ng bawat isang isla.
Pinasalamatan naman ng DoF chief ang Government of South Korea sa kanilang pagsuporta sa infrastructure development ng bansa.| ulat ni Melany V. Reyes