Finance Sec. Recto, binigyang halaga ang digitalization efforts ng BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Finance Secretary Ralph Recto ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na dapat masustine ang revenue collection improvement sa pamamagitan ng digitalization.

Ayon kay Recto malaking tulong ito para sa gobyerno upang makamit ang paglago at maibigay ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Sa kanyang mensahe sa ika-120th anniversary ng ahensya, sinabi nito na sa mga panahon na hindi nakakamit ang fiscal target ng bansa, ang sambayanan ang nagbabayad ng kabiguan na ito.

Paliwanag pa nito na kung nasusustine ang revenue improvement ay lumalago ang ekonomiya, nagkakaroon ng mas maraming trabaho, tumataas ang sweldo, at kakayanin nilang magbayad ng buwis.

Muli ring nanawagan ang kalihim na i-leverage ang paggamit ng digitalization upang i-promote ang ease of paying taxes sa ilalim ng BIRs Roadmap for 2024-2028.

Diin niya,  mas madali sa taxpayers na magbayad ng buwis sa pamamagitan ng digitalization dahil ang mabusising pagbabayad ng buwis ang nagdidiscourage sa mga ito na magbayad ng kanilang tax.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us