Tiwala si finance Secretary Ralph Recto na kayang-kaya ng Pilipinas na bayaran ang ating mga utang.
Hanggang nitong June 2024, pumalo na sa P15.48 trillion ang utang ng Pilipinas.
sSa briefing ng DBCC sa Senado ngayong araw, sinabi ni Recto na bagama’t tila patuloy na lumalaki ang utang ng bansa ay patuloy naman na mas lumalago ang ating ekonomiya.
Unti-unti na rin aniyang naibaba ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas mula noong pandemya.
Pinunto ng kalihim na mula sa 60.9 percent noong 2022 ay bumaba na ito sa 60.1 percent noong nakaraang taon (2023).
Pinahayag rin ni Recto na determinado pa silang mas ibaba pa sa 60 percent ang debt-to-GDP ratio.
Siniguro rin ni Recto na ginagamit ng ating bansa sa inuutang nating pondo sa pamumuhunan sa mga dagdag na imprastraktura at human capital development projects.| ulat ni Nimfa Asuncion