Fingerprint ni suspended Mayor Alice Guo, nag-match sa fingerprint ni Guo Hua Ping base sa record ng Comelec 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumugma ang fingerprint ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa fingerprint ni Guo Hua Ping base sa record ng Commission on Elections (Comelec). 

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Comelec matapos ibigay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang fingerprint ni Guo Hua Ping na kanilang nakita. 

Ayon kay Chairperson George Erwin Garcia, may sariling fingerprint expert ang Comelec na tumukoy sa fingerprint ni Mayor Alice Guo na kanyang isinumite noong ito ay naghain ng Certificate of Candidacy bilang alkalde ng Bamban Tarlac. 

Matapos mag-match ang mga fingerprint, magdedesisyon daw ang Comelec sa susunod na linggo kung kakasuhan ba ang alkalde sa Regional Trial Court ng paglabag sa Omnibus Election Code. 

Una na ring nadiskubre ng National Bureau of Investigation ang pagkakatugma ng fingerprint ng alkalde sa fingerprint ni Guo Hua Ping matapos itong kumuha ng NBI Clearance.  | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us