Fishing motorbanca, binangga ng unidentified vessel sa karagatan ng Masbate 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa ring hinahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 23-taong gulang na lalaki matapos itong iniulat na nawawala dahil binangga ang kanilang fishing motorbanca ng hindi pa nakikilang barko. 

Naganap ang insidente noong August 10 ng alas-2 ng madaling araw malapit sa Burias Island ng Masbate. 

Sa imbestigasyon ng Coast Guard Station Masbate nangingisda ang magkapatid na Roland Marientes, 37, at kapatid nito na si Roldan Marientes, 23, nang banggain ng hindi nila nakilalang barko ang kanilang motorbanca. 

Mabuti na lamang at may napadaan na isang barko na MV Virgen De Penafrancia XII ng Starhorse Shipping Lines Inc. sa pinangyarihan ng insidente na naging resulta upang mailigtas ang isa sa mga mangingisda. 

Nananawagan naman ang PCG sa lahat ng mga may bangka o barko na tulungan sila sa paghahanap sa nawawalang mangingisda.  | ulat ni Mike Rogas

📸: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us