Sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa, pinalawak pa ng Caloocan LGU ang hakbang nito para maiwasan ang sakit sa lungsod.
Kabilang dito ang fogging operations sa iba’t ibang barangay sa Caloocan.
Buong linggong nagsasagawa ngayon ang LGU ng fogging operations kung saan ang target ngayong araw ay ang mga Barangay 176, 172, at 178.
Kaugnay nito, nanawagan ang alkalde ng pakikiisa sa mga residente sa gagawing fogging operations.
Paalala nito, maglinis ng kapaligiran upang mas maging epektibo ang fogging, itapon na ang mga nakaimbak na tubig at sirain ang mga lugar na maaaring pamahayan ng mga lamok, takpan o itago ang mga pagkain at kasangkapang ginagamit sa pagkain upang maiwasan ang kontaminasyon at lumabas ng bahay habang isinasagawa ang fogging. | ulat ni Merry Ann Bastasa