Umarangkada na ang pamamahagi ng ikalawang yugto ng food packs para sa mga residente ng San Juan City na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong #CarinaPH.
Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora kasama ang ilang opisyal ng lokal pamahalaan ang pamamahagi ng food packs sa San Juan City Hall ngayong araw.
Ayon kay Mayor Zamora, kabilang sa mga nakatanggap ng food packs ay ang mga residenteng lumikas sa mga evacuation center noong kasagsagan ng bagyo, mga binaha ang tahanan, pati na rin ang mga nagpalista sa kanilang barangay.
Dagdag pa ng alklade na dalawa araw na gagawin ang pamamahagi ng food packs na tatagal hanggang bukas upang mabigyan ang lahat ng apektadong residente.
Nauna rito ay namahagi na ng tulong ang lokal na pamahalaan gayundin ang DSWD, ilang organisasyon at pribadong sektor.| ulat ni Diane Lear