Ipinakita sa huling tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtaas ng mga dayuhang pamumuhunan sa bansa para sa buwan ng Hulyo 2024 na katumbas ng net inflows na aabot sa $1.38 billion.
Ang nasabing pagtaas ay kabaliktaran ng nasa $27.26 million na net inflows noong Hunyo o katumbas ng pagtaas ng 133% o kabuuang gross inflows sa $2.43 billion.
Bulto ng mga investments ay inilagak sa government securities sa 71.3%, habang ang natitira ay napunta sa mga sektor tulad ng banking, property, at transportasyon. Ang karamihan ng mga pamumuhunan ay nagmula naman sa United Kingdom, Estados Unidos, Singapore, Luxembourg, at Norway.
Samantala, bahagyang bumaba ang gross outflows para sa buwan ng Hulyo kumpara ng nagdaang buwan, kung saan ang Estados Unidos pa rin ang pangunahing destinasyon ng mga nasabing pondong ito. Sa kabuuan ng taon hanggang nitong Hulyo, ang kabuuang net inflows mula sa mga dayuhang pamumuhunan ay tumaas ng higit sa 830% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. | ulat ni EJ Lazaro