Nakakuha ng suporta mula kay Navotas Representative Toby Tiangco ang plano ng Department of Agriculture (DA) na palawigin ang Kadiwa stores sa pamamagitan ng franchise.
Sabi ng mambabatas, ang pagbubukas ng Kadiwa Franchise Stores ay magpapalago sa MSME ng bansa.
“We are optimistic that if the Department of Agriculture opens the initiative to cooperatives or even small- and medium-scale entrepreneurs, we can expand livelihood opportunities and even create jobs across the country,” wika ni Tiangco.
Malaking tulong aniya ito para sa pagbibigay ng kabuhayan at access sa abot kayang batayang bilihin.
Punto pa ni Tiangco, maaaring maging bagong poverty alleviation program ng pamahalaan ang kadiwa franchise kung mabubuksan ito sa mga small-and medium-scale entrepreneurs.
Hindi lang din aniya ito maganda para sa lokal na ekonomiya ngunit malaking ginhawa rin sa mga pamilyang Pilipino na nahihirapan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
“Napakalaki ng potential ng Kadiwa program na makapagbigay ng oportunidad na palakasin ang mga MSMEs sa bansa. Mahigit limang milyong trabaho ay nanggagaling sa mga MSMEs. If this initiative is implemented properly, it can create jobs, boost revenues, and more importantly, improve access to affordable commodities,” saad pa niya.
Una nang inanunsyo ni DA Secretary Francisco Laurel Tiu Jr. na plano ng ahensya na buksan sa cooperatives at private sector operators ang pag franchise ng kadiwa stores para maparami pa ang permanent kadiwa outlets sa buong bansa. | ulat ni Kathleen Forbes