Nananawagan ang Deped Teachers Union (DTU) sa pamahalaan na ibasura na ang serbisyo ng Smartmatic bilang service provider sa mga halalan.
Ayon kay Cynthia Villarin – presidente ng DTU-NCR, nararapat ng ibasura ang kontrta ng Smartmatic dahil sa mga anomalya at kapalpakan ng mga makina o vote counting machine (VCM) na gamit nito.
Giit pa ni Villarin, wala silang kinalaman sa ibang indibidwal na nananawagan na huwag ng payagan ang Smartmatic dahil muli nilang inihahayag na mas nahihirapan sila dahil sa sirang makina ng nabanggit kumpaniya at nasasangkot pa sa ilang anomalya.
Aniya, maiging ibang makina naman ang gamitin at sundin ang desisyon ng Korte Suprema na mga bagong vcm ang gamitin.
Sinabi naman ni Remis Mariñas na regional presidente ng DTU sa Visayas, nahirapan sila sa mga makina ng Smartmatic kung saan maraming mga guro sng umaangal.
Paliwanag pa ng grupo, noong 2022 electinos ay nasa 1,800 na makina ang nagka-aberya kung kaya’t naapektuhan ang nasa 1.1 milyun na botante.
Wala rin silang paki-alam kung anong kumpaniya ang nabigyan ng kontrata para sa elekayon basta’t huwag lamang daw ang Smartmatic na puro kapalpakan at sakit ng ulo ang kanilang naranasan. | ulat ni Michael Rogas