Umapela ang Federation of Free Farmers (FFF) sa Kongreso na hayaan ang mga magsasaka na makapili at makakuha ng mga equipment sa ilalim ng farm mechanization program.
Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, P5 bilyon mula sa P10 bilyon na inilalaan taon-taon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay ginastos sa pagbili at pamamahagi ng farm machinery para sa piling magsasaka at farmers organizations.
Ayon kay FFF National Manager Raul Montemayor, namahagi ng mahigit 25,000 tractor at iba pang kagamitan sa sakahan ang programa na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P16 bilyon sa pagtatapos ng 2023.
Bagama’t nakatulong ang programa na bawasan ang gastos sa produksyon ng mga magsasaka, maraming farmer-recipients ang nagreklamo sa hindi magandang kalidad ng mga makina.
Malaking problema din ang kakulangan ng spare parts at mechanics para sa machinery repair at maintenance. | ulat ni Rey Ferrer