Mariing kinokondena ng organisasyong Bayanihan ang patuloy na paninira ni Sagip Party List Cong. Rodante Marcoleta sa integridad ng Commission on Election.
Sa kanilang press conference, inihahanda na ng grupo ang pagsasampa ng reklamo sa House Committee on Ethics laban sa kongresista.
Sinabi ni Elmer Argano, Chairman ng Bayanihan para sa Karangalan at Kaunlaran ng mga Pilipino, nagpapakalat umano si Marcoleta ng mga malisyosong ka sinungaling at nagsasagawa ng maagang pangangampanya upang sirain ang reputasyon ng Comelec.
Sabi pa ni Argano, pawang mga gawa-gawa lamang ang mga akusasyon ng mambabatas na maliwanag umanong paninira sa integridad ng Comelec.
Dahil daw sa mga mapanira at mapanlinlang na inasal ng mambabatas, maghahain sila ng reklamong etikal laban kay Marcoleta upang hindi na ito tularan ng iba pang mambabatas.
Bukod sa ethics complaint, magsasampa rin sila ng disbarment case sa Supreme Court laban kay Marcoleta dahil sa matinding pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Hinihingi rin nila sa taumbayan na maging mapagmatyag laban sa maling impormasyon at kampanya sa disinformation na naglalayong buwagin ang demokrasya ng bansa. | ulat ni Michael Rogas