GSIS, hinikayat ang mga miyembro nito na samantalahin ang kanilang loan restructuring program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mismong si Government Service Insurance System (GSIS) General Manager at President Wick Veloso ang humimok sa government employees na makiisa sa kanilang programa na magpapagaan sa pagbabayad ng loans ng mga miyembrong hindi updated sa monthly payment.

Ayon kay Veloso, kailangan lang makipag-ugnayan ng mga miyembro o pensioner sa kanilang customer service team, bumisita sa website o kahit saang branches sa buong Pilipinas para mag apply.

Handa aniyang umasiste ang kanilang mga dedikadong tauhan para makapagbigay ng personalized support.

Ayon sa GSIS, para makapag apply sa loan restructuring program ang mga aplikante ay kailangang magsumite ng duly accomplished form kasama ang photocopy ng kanilang GSIS ID, Phil ID, passport, o kahit anong dalawang valid government-issued IDs. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us