Nanawagan si Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Wick Veloso sa lahat ng government agencies, local government units at mga members nito na makipag ugnayan sa kanilang mga tanggapan kung biktima ang mga ito ng Typhoon Carina at Habagat.
Ayon kay Veloso – sinisimulan na kasi nilang iproseso ang mga insurance ng mga biktima ng nasabing kalamidad.
Paliwanag pa ng opisyal na ang agarang pag rereport ng mga pinsala ng nagdaang bagyo ay makakatulong hindi lang sa GSIS kundi maging sa mga biktima para sa mas mabilis at maayos na pag proseso ng kani kanilang mga claim.
Tiniyak din ni Veloso na handa ang GSIS na tulungan ang mga policy holders nito sa pamamagitan ng mabilisang pag proseso ng kanilang mga claims at agad mabyaran ang mga pinsala matapos ang kanilang evaluation.
Payo pa nito na ang pag gile ng claim ay unang hakbang patungo sa recovery process at para anya sa mas mabilis na pag claim ay maaring magsama o maglakip ng photo o video sa kanilang pag file. | ulat ni Lorenz Tanjoco