Hanggang May 19, 2025 na maaaring magamit ng mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Restructuring Program for Service Loans (RPSL) nito.
Ayon sa ahensya, ang kanilang ginawang extension ay nagbibigay ng magandang oportunidad para sa mga borrower na magbenepisyo sa mas mahaba at mas abot kayang payment terms.
Paliwanag naman ni GSIS President and General Manager Wick Veloso ang kanilang programa ay para doon sa mga may utang na hindi nababayaran.
Ito aniya ay pagbibigay diin sa kanilang commitment na tulungan ang kanilang mga miyembro at pensioners, na pangasiwaan ang kanilang mga financial well-being at makabalik sa tamang hulog sa pamamagitan ng pagbibigay ng flexible terms.
Ang GSIS Restructuring Program for Service Loans (RPSL) na nilunsad noong Marso 2023 ay isang bagong restructuring program na magbibigay sa delinquent borrowers nito, na bayaran ang kanilang mga past due sa mas abot kayang halaga sa pamamagitan ng mas flexible na mga termino.
Maaaring mag-apply sa nasabing restructuring program sa pamamagitan ng GSIS Touch, over-the-counter (OTC) payment sa kahit anong GSIS branch, M. Lhuillier, USSC, o sa pamamagitan ng Union Bank o Landbank mobile or web apps. | ulat ni Lorenz Tanjoco