GSOMIA, isinulong ng AFP at US Military

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong sa Camp Aguinaldo kahapon ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Staff Assistance Team para plantsahin ang General Security of Military Information Agreement (GSOMIA) at Collaborative Execution Plan (CEP).

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni AFP Vice Chief of Staff, at AFP GSOMIA CEPIC Chairperson, Lieutenant General Arthur M. Cordura.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Cordura ang kahalagahan ng “strategic partnership” at epektibong pamamahala ng impormasyong militar.

Ayon kay Cordura ang GSOMIA ay magpapalakas sa security at operational efficiency ng AFP.

Ang pagsasapinal ng GSOMIA sa taong kasalukuyan, na magiging basehan ng pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiyang pandepensa ng Pilipinas at Estados Unidos, ang isa sa mga napagkasunduan sa ika-apat na 2 plus 2 Ministerial Dialogue sa pagitan ng Foreign at Defense Secretaries ng dalawang bansa na isinagawa kamakailan sa Maynila. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us