Halos 200 baboy, na-condemn ng BAI sa pinaigting na hakbang vs ASF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa 200 baboy ang nako-condemn ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa pinaigting na hakbang kontra African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Constante Palabrica, may higit 100 baboy rin ang naka-hold at nakatakdang suriin dahil sa nagpakita ng senyales ng ASF.

Kabilang naman sa pinakahuling naharang sa livestock checkpoint ang nasa 30 baboy mula sa isang truck na nahuli sa Mindanao Avenue.

Ayon sa BAI, karamihan sa mga baboy na laman ng truck ay agad nakitaan ang senyales na kontaminado ng ASF na nakumpirma matapos din ang isinagawang blood tests. Dahil dito, na-condemn na rin ang mga baboy at naibaon sa central burial site.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng BAI na patuloy nitong paiigtingin ang pagmo-monitor ng swine movement.

Kabilang rito ang aktibong pakikipag-ugnayan sa mga LGU para hindi na kumalat pa ang ASF.

Patuloy namang hinihikayat ang mga hog raiser at transporters na sumunod sa lahat ng biosecurity protocols para sa kapakanan na rin ng hog industry. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us