Para kay Albay Rep. Joey Salceda, House tax chief, natugunan na ang mataas na presyo ng bigas na nakaapekto sa inflation rate.
Ito ay kahit pa nakapagtala ng 4.4 percent inflation rate sa buwan ng Hulyo.
Kung ikukumpara kasi aniya ang month-on-month na presyo ng bigas ay bumababa na ito.
At lalo pa aniya bababa ang presyo pagpasok ng dagdag na stocks mula India at Vietnam.
Gayunman sabi ni Salceda, kailangan ngayon tutukan ang mais.
Sa tala ng PSA, 5.8 percent ang month-on-month inflation ng mais.
Sabi pa niya, una na ito ibinabala ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel noong Abril at sinisimulan naman nang tugunan.
“I will be having a series of conversations with Secretary Tiu-Laurel on the corn and the broader livestock situation around the third week of August. We will be discussing the Livestock, Poultry, Dairy, and Corn Development Acts, which I principally authored in the House,” sabi ni Salceda.
Maliban sa mais isa rin aniya sa isyu ang presyo ng kuryente.
“Other than corn, the only other real issue is with electricity prices – but that’s a seasonal matter that I expect to moderate by the next few months,” dagdag ng House leader. | ulat ni Kathleen Forbes