High Value Target, arestado habang mahigit ₱600,000 halaga ng shabu, nasabat ng Pulisya sa Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) ang isang 32-taong gulang na High Value Target (HVI) habang nasabat ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu.

Ito’y sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PDEG, Special Operations Unit 7, at Regional Intelligence Unit at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Field Unit 7 sa Brgy. Subangdako sa Cebu City.

Sa ulat na ipinarating kay PDEG Director, Police Brig. Gen. Eleazar Matta, kinilala ang naturang HVI sa alyas na Inton.

Batay sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board (DDB), aabot sa ₱680,000 ang halaga ng mga nasabat na shabu sa pag-iingat ng suspect.

Dinala ang mga nakumpiskang shabu sa kustodiya ng Regional Forensic Unit.

Hawak naman ng PDEG ang suspek habang ikinakasa ang kasong isasampa laban sa kaniya na may kinalaman sa iligal na droga. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us