Aabot sa higit isang bilyong na SMS ang na-block ng mga public telecommunication entities mula nang ipatupad ang SIM registration law.
Ito ang ibinahagi ng National Telecommunications Commission sa pagtalakay ng Kamara sa mga panukala na amyendahan ang SIM registration law.
Batay sa datos ng NTC, hanggang July 2024 pumalo sa 1.560 billion ang blocked SMS na pawang naglalaman ng mga bank o game links at raffle, loan, empolyment at customer service scams.
Nakapag deactivate na rin ang mga PTE ng SIM na aabot sa 661,685 at mayroon na ring 677,563 na black listed numbers.
Pagdating naman sa bilang ng nairehistrong SIM hanggang nitong July, ay umabot na ito sa 155.729 million
Aminado naman ang NTC hamon sa kanila ngayon kung paano solusyunan ang paggamit ng mga pekeng litrato at ID at ang pagkakaroon ng verification mechanism sa ginamit na id para nagrehistro. | ulat ni Kathleen Forbes