Higit 100 indibdiwal, inilikas sa Valenzuela dahil sa habagat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Valenzuela LGU na aabot sa 33 pamilya o katumbas ng 131 na indibidwal ang kailangang ilikas sa lungsod dahil sa walang patid na ulang dala ng habagat.

As of 8am, mayroong dalawang evacuation center ang inactivate ng LGU.

Kabilang dito ang Bartolome Covered Court, Veinte Reales na pansamantalang tinutuluyan ng 17 pamilya o 57 indibidwal.

Gayundin ang Valenzuela National High School, sa Marulas kung saan inilikas ang 16 na pamilya o 74 indibidwal.

Una na ring sinuspinde ang klase at trabaho sa buong Valenzuela dahil sa heavy rainfall warning sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us