Inaasahang aabot sa higit 11,000 Agrarian Reform Beneficiaries sa Soccsksargen Region ang makikinabang sa electronic titles (e-titles) registration sa rehiyon.
Ayon sa Department of Agrarian Reform, aabot sa 11,548 e-titles ang mairerehistro para sa 20,326.7181 ektarya ng lupa sa mga lalawigan.
Batay sa datos ng DAR, hanggang July 31 ngayong taon, nairehistro na ang mga e-title sa mga lalawigan ng North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, at Sarangani.
Nakamit ng DAR Region XII ang pinakamataas na bilang ng nagparehistro ng e-titles sa rehiyon sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project
Ayon kay DAR XII Regional Director Mariannie Lauban-
Baunto ang masusi at malawakang registration na ito ay magpapabuti sa land security ng mga ARB.
Maging sa land ownership records at sa pagtaas ng kanilang accessibility sa lupa para sa local communities.
Ang SPLIT Project na pinondohan ng World Bank ay naglalayong mabigyan ng individual titles ang mga ARB na dati nang tumanggap ng lupa sa ilalim ng Collective Certificates of Land Ownership Award ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). | ulat ni Rey Ferrer
📷: DAR