Higit 150 loose firearms, nasamsam sa operasyon ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang 150 armas ang nakumpiska ng Quezon City Police District (QCPD) sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms.

Ayon kay QCPD Chief Police Brig. Gen. Redrico Maranan, nasamsam ang mga armas mula sa mga operasyong ikinasa mula Enero hanggang nitong August 28, 2024.

Aabot din sa 201 ang naaresto ng QCPD sa iba’t ibang Police Station na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng 211 firearms.

Nangunguna naman ang Novaliches Police Station (PS-4) sa may pinakamaraming nasamsam na armas na sinundan ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), at La Loma Police Station (PS-1).

Pinuri ni PBGen. Maranan ang tagumpay na ito ng QCPD na aniya ay patunay ng dedikasyon ng Kapulisan sa Quezon City.

Makakaasa rin aniya ang publiko na patuloy pang paiigtingin ang preventive measures katulad ng checkpoint upang masiguro ang seguridad ng lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us