Higit 150,000 indibidwal, apektado ng bataan oil spill — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na 40,573 na pamilya o katumbas ng 150,268 indibidwal na apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Terranova oil tanker sa Limay, Bataan.

Ayon sa DSWD, karamihan ng mga apektado ay mula sa Central Luzon at Calabarzon Region.

Wala namang pamilya ang kinailangang ilikas dahil sa insidente.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy rin ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga apektado ng oil spill.

As of August 5, aabot na rin sa ₱5.5-million ang nailaan nitong humanitarian assistance sa mga apektadong LGUs.

Kabilang sa ipinamamahagi nito ang family food packs para sa pamilya ng mga apektadong mangingisda.

Una na ring sinabi ng DSWD na handa itong maglaan ng financial assistance para matulungang makabangon ang mga mangingisdang hindi makapalaot ngayon dahil sa oil spill incident. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us