May 326 barangay officials sa Quezon City ang nagtapos na sa kursong Leadership in Public Service at Fundamentals of Public Management.
Ang inisyatibang ito ay ginawa ng Quezon City Government upang mas mabigyan pa ng edukasyon at kaalaman ang mga mamumunong barangay officials.
Paalala ni QC Mayor Joy Belmonte, na dapat maging magaling, mabuti, at tapat ang bawat opisyal ng lungsod para magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.
Kailangan nilang pakinggan ang taumbayan upang magamit ang pondo ng tama at makapagbigay ng de-kalidad na programa sa mamamayan.
Ang mga nagtapos na barangay officials ay binigyan ng certificate mula sa Speaker Feliciano R. Belmonte Jr – School of Good Governance ng Quezon City University. | ulat ni Rey Ferrer