Mainit na sinalubong ng House of Representatives ang Philippine Olympic delegation na sumabak sa katatapos lang na 2024 Paris Olympic.
Sa inihandang Congressional Reception ng Kamara personal na iniabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kopya ng mga resolusyong pinagtibay para kilalanin ang ating Filipino athletes.
Kabilang dito ang Congressional Medal of Distinction para kina Bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas at ang Congressional Medal of Excellence para naman kay double gold winner Carlos Yulo.
Dito rin iniabot ang cash gifts para sa ating mga atleta.
Si Yulo ay nakatanggap 6 million pesos dahil sa dalawang ginto at hiwalay na 8 million million 10 thousand pesos mula sa mga mambabatas
Sina Pethecio at Villegas may tig 1 million pesos dahil sa bronze medal at hiwalay pang 2.5 million pesos mula sa ambagan ng mga manbabatas
Habang ang iba pang mga atleta, nakatanggap ng 500 thousand pesos na cash incentives.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Speaker Romualdez na kaisa ang Kamara sa pagbubunyi ng buong bansa sa tagumpay ng mga atleta.
Muli rin tiniyak ng house leader ang pagsususlong na amyendahan ang Republic Act 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act” bilang suporta sa sektor ng palakasan.
Nagpasalamat naman si Yulo, sampu ng mga atleta, sa ibinigay na suporta ng mga Pilipino sa kanilang laban. | ulat ni Kathleen Forbes