Hiling ng DOTr na karagdagang pondo para sa bike lanes, sinuportahan ng ilang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuportahan ng mga mambabatas ang apila ng Department of Transportation (DOTr) na dagdagan ang kanilang budget para sa active transport  o pagtatalaga ng mga bike lanes sa buong bansa.

Sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program, nasa ₱60-million lamang ang budget na inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) sa kabila ng ₱2.6-billion na kanilang request.

Sa budget deliberation ng DOTr, nanawagan si 1-Rider Party-list Representative Rodge Guttierez sa kanyang mga kasamahan na i-recalibrate ang budget sa active transport, habang ayon naman kay Kabataaan Raul Manuel, kung hindi dadagdagan ang budget ay hindi makakamit ang hangarin ng DOTr na hikayatin ang publiko na ikunsidera ang alternative modes of mobility.

Paliwanag ni DOTr Undersecretary  Jesus  Ferdinand Ortega  plano ng DOTr na makapaglatag ng mahigit sa 2,000 pang bike lanes sa susunod na taon at pedestrian  walkways.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us