Homecoming parade at mga aktibidad upang parangalan ang mga Bayaning Atleta na sumabak sa 2024 Paris Olympics, generally peaceful — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na pangkalahatang naging mapayapa ang isinagawang Homecoming Parade at ang programang inihanda upang bigyang pugay ang mga tinaguriang Bayaning Atleta ng 2024 Paris Olympics.

Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, kasunod na rin ng inilatag na seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Batay sa pagtaya ng Pulisya, tinatayang nasa 25,000 ang kabuuang bilang ng mga nakilahok sa naturang aktibidad mula sa mga nanood ng parada hanggang sa mga nakiisa sa inilatag na programa.

Aabot sa mahigit pitong kilometro ang itinakbo ng naturang parada buhat sa Aliw Theatre sa Pasay City patungong Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us