Mga House Committee Secretariat, muling sumalang sa pagtalakay ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumalang sa lecture ang mga House Committee Secretariat ng Kamara upang muling talakayin ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Layon nitong maitama at gawing perpekto ang kanilang panunungkulan sa House of Representatives.

Kabilang sa mga tinalakay na usapin ang agarang pagresponde sa mga letter request sa komite, pagsusumite ng performance report, pagproseso ng mga dokumento, at gawin itong accessible sa publiko.

Naglahad din ng mga case scenarios upang linangin ang critical thinking at problem solving skills ng mga committee secretariat upang mabilis nilang matukoy ang mga hamon sa kanilang trabaho at maisakatuparan ang kanilang responsibilidad bilang kawani ng gobyerno.

Ibinahagi ng mga resource persons ang  probisyon ng RA 6713 at mga ipinagbabawal ng batas gayundin ang mga incentives and rewards ng mga government employees.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us