House leaders, naniniwala na ginagamit ng drug syndicates ang POGO para hugasan ang kanilang mga pera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi isinasantabi ng dalawang commite chairperson ng Kamara ang direktang ugnayan ng iligal na droga at POGO.

Ayon kay House Committee on Dangerous Drugs Chair Ace Barbers ang mga drug lord at sindikato ay idinadaan sa mga POGO ang kanilang mga pera para hugasan o yung money laundering.

Patunay aniya dito ang nakitang koneksyon ng ilan sa incorporators ng Empire 999 na may-ari ng warehouse kung saan nasabat ang ₱3.5 billion na halaga ng shabu sa Mexico, Pampanga sa mga kompanya ng POGO na iniimbestigahan naman ng komite ni Public Order and Safety Chair Dan Fernandez.

“It seems that the drugs lords or the drug syndicate launders their money through these POGOs. Bakit natin nasabi yoon? Kasi mayroong corporations that are registered pwedeng incorporators of these corporations are the same incorporators of the owner of a warehouse na mayroong nakitang drugs, meaning yung Empire 999 na nagmamay-ari ng droga doon sa Mexico, Pampanga ay may mga kasosyo sa mga korporasyon na kung saan ay parehas sila na mga incorporators so yung interlocking incorporators is our link na maaaring involved ang mga POGOng ito direkta kay Michael Yang through his brother na nagre-remit yata ng pera doon sa POGO sa Bamban, Tarlac,” ani Barbers.

Malaki ang paniwala ng mambabatas na mayroong criminal organization sa bansa na sangkot sa POGO, scam hubs, droga, at iba pang krimen.

Kinumpirma rin ni Fernandez na sa kanilang hiwalay na imbestigasyon, lumalabas na ang kapatid ng dating presidential adviser na si Michael Yang na si Hong Jang Yang ay konektado kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Batay aniya sa AMLC, nasa ₱3.3-billion ang pera na umiikot sa pagitan ni Guo at Yang.

“Yung ₱29-billion na pondo na umikot sa account ni Alice Guo sa 36 accounts niya, isa sa mga pinasukan ng pera ni Alice Guo ay si Hong Jang Yang. ₱3.3-billion ang umikot na account between the brother of Michael Yang and Alice Guo, established yan ng AMLOCK at merong naka-file na case sa Court of Appeals, I forgot the GR number but we have seen there, yung pera na umikot ni Alice Guo at ni Hong Jang Yang,” sabi ni Fernandez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us