Aminado si Speaker Martin Romualdez na lubhang nakababahala na ang mas pagiging agresibo ng China sa mga aksyon nito sa West Philippine Sea.
Kasabay nito ay muling kinondena ng House leader ang ginawang pagbangga ng China Coast Guard sa barko ng BFAR na nagsasagawa ng humanitarian mission.
“Again, we condemn in the strongest terms this newest reckless and dangerous maneuvers by the China Coast Guard on our vessels, this time a Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ship conducting a humanitarian mission by resupplying Filipino fishermen with food, medical supplies and diesel,” aniya
Mag aabot ng tukong ang BFARsa mga mangingisda sa Hasa-Hasa Shoal, na 60 nautical miles ang layo mula sa Rizal, Palawan, at Escoda Shoal, at matatagpuan sa 110 nautical miles mula sa bayan ng Rizal.
Samantalang higit isanglibong milya ang kayo nito sa China.
“This area is clearly within the 200-mile exclusive economic zone of the Philippines under the United Nations Convention of the Law of the Sea, to which China and the Philippines are signatories,” sabi pa ni Speaker Romualdez
Ito na aniya ang ikalawang beses sa loon ng isang linggo na gumamit ng dahas ang China laban sa ating mga sasakyang pandagat sa loib mismo ng ating teritoryo.
Matatandaan na August 19 ng sagiin naman nh China Coast Guard at dalawang barko ng Philippine Coast Guard.
Patuloy ang apela ng lider ng Kamara sa China na igalang ang international law na nilagdaan nito at itigil na ang mga aggressive actions. | ulat ni Kathleen Forbes