Planong pagpapalawak ng defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Germany, welcome kay Sen. Jinggoy Estrada

Facebook
Twitter
LinkedIn

<span;>Ipinahayag ni Senate President Pro Tempore at Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada na ang commitment ng Pilipinas at Germany para sa isang defense cooperation ay nagpapakita ng mas pinalakas na diplomatic at military ties sa pagitan ng ating mga bansa. 

<span;>Ang pahayag na ito ng mambabatas ay kasunod ng naging pagpupulong nina Defense Secretary Gilbert Teodoro at German Defense Minister Boris Pistorius nitong weekend.

<span;>Ayon kay Estrada, ang commitment na ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapahusay ng defense capabilities at strategic partnerships ng ating bansa.

<span;>Dinagdag rin ng senador na mapapalakas nito ang defense posture ng Pilipinas at maitataguyod ang rules-based international order.

<span;>Sinabi rin ni Estrada na ang pahayag ng German Defense Minister, na hindi nakadirekta sa anumang bansa ang mga ginagawa nila para sa pilipinas at iba pang mga bansa, ay alinsunod sa ating commitment  sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa rehiyon.

<span;>Sa huli, nakakapanatag aniyang malaman na may ganitong alok ang Germany sa ating bansa bilang lubos itong magpapalakas sa kakayahan ng ating militar na protektahan ang ating soberanya at tiyakin ang seguridad ng mga Pilipino.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us