Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez sa lahat ng ahensya ng pamahalaan ang taos-pusong pasasalamat sa pakikibahagi sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Sa ginanap na BPSF Agency Summit, binigyang diin ng House leader na ang serbisyo caravan na ito ay ipinapakita ang kapangyarihan ng inter-agency collaboration.
Aniya, isa itong ehemplo na ang pagtatrabaho ng gobyerno ay mas epektibo kapag nagkakaisa at nagtutulungan.
“Your dedication has proven that when we break down silos, when we converge our efforts, and when we focus on a common goal, we can overcome any challenge. The Bagong Pilipinas Serbisyo Fair is a testament to the power of inter-agency collaboration — a model of how government should function, not in isolation, but as a unified force working for the greater good,” saad ni Speaker Romualdez.
Ang BPSF ay katuparan sa hangarin ng Pang. President Ferdinand R. Marcos Jr. na ibaba sa taumbayan ang serbisyo ng pamahalaan at tiyakin na walang Pilipino ang maiiwan.
Sa unang taon ng BPSF, ay naikot na ng caravan ang 17 rehiyon ng bansa, bagay aniya na hindi mangyayari kung hindi dahil sa suporta ng mga ahensya ng pamahalaan.
As we move forward, let us remember the four pillars that have guided us: Mabilis, Maayos, Maginhawa, Masaya. These are not just words, but a philosophy of governance that ensures every Filipino experiences the swift, orderly, comfortable, and joyful life they deserve. To all of you who have been part of this monumental effort, thank you. Your hard work, your dedication, and your unwavering belief in the power of public service have laid the foundation for a stronger, more resilient Philippines.
Ayon naman kay House Deputy Secretary General at BPSF National Secretariat lead Sofonias Gabonada Jr., layon ng tatlong araw na agency summit na lalo pang mapagbuti ang pagbababa ng serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan.
Dito magkakausap-usap aniya ang lahat ng ahensya ng pamahalaan sa regional level kung paano pa maisaayos ang kanilang kolaborasyon.
“Ito ay pagkakataon kung mag-usap-usap ang mga ahensya on a regional level because ang regional directors po sila ang working committee members natin. Sila ‘yung gumagalaw talaga sa pagbababa ng serbisyong bayan sa lahat ng mga probinsya na napuntahan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. May mga input din tayo from our experts, from public administration, from NEDA, from economics, from budget utilization na sa tingin namin ay mas makakabuting malaman din ng ating regional directors,” pagbabahagi ni Gabonada. | ulat ni Kathleen Forbes