Bumaba ang naitalang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, ay bumaba sa 1,186 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan mula sa naitalang 5,128 na tonelada noong August 20.
Dahil dito, wala nang banta ng volcanic smog o vog.
Ayon sa PHIVOLCS, naobserbahan din ang katamtamang pagsingaw sa bulkan na may 1,400 metrong taas.
Nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Merry Ann Bastasa