Tumaas ang naitalang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) ng Taal Volcano sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, ay umabot sa 5,128 tonelada ng sulfur dioxide (SO2) gas ang ibinuga ng bulkan.
Nananatili rin ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake at mayroon pa ring banta ng volcanic smog o vog na binubuo ng mga droplet na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at puwedeng magdulot ng irritation sa mata, lalamunan, at respiratory tract.
Kaugnay nito, naobserbahan din ang malakas na pagsingaw sa bulkan na may 2,100 metrong taas.
Sa ngayon ay patuloy ang pagbabantay ng PHIVOLCS sa lagay ng Bulkang Taal na nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1. | ulat ni Merry Ann Bastasa