Nakatutok pa rin ang PHIVOLCS sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros na patuloy na nagbubuga ng mataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide (SO2).
Ayon sa PHIVOLCS, umakyat pa sa 7,126 tonelada ng SO2 ang ibinuga ng bulkan na pangalawang pinakamataas na naitala ngayong taon.
Bukod dito, mayroon ding 17 volcanic earthquake sa nakalipas na 24-oras sa bulkan.
Nagkaroon din ng katamtamang pagsingaw na umabot sa 300 metro ang taas.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert Level 2 (increasing unrest) sa Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa