Ipinahayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary at Intergovernmental Relations Body (IGRB) co-chair Amenah Pangandaman ang kanyang pasasalamat sa pamahalaan ng Japan at Japan International Cooperation Agency (JICA) sa kanilang patuloy na suporta sa proseso ng kapayapaan ng bansa.
Ginawa ng Kalihim ang pahayag na ito kasabay ng paggunita ng ika-10 anibersaryo ng Pagpirma ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Binanggit rin ni Sec. Pangandaman na ang tagumpay ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay bunga ng kooperasyon sa pagitan ng National Government at ng Bangsamoro Government kasama ang mahalagang ambag ng mga international partners partikular na ang Japan at JICA.
Nagpahayag din ang opisyal ng pasasalamat sa Japan sa pagho-host ng isang symposium na nagmarka ng mahalagang yugtong ito at muling pinagtibay ang pangako sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas. | ulat ni EJ Lazaro