Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng AFP Dental Service sa Camp Aguinaldo kahapon.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Gen. Brawner ang kahalagahan ng Dental Service sa pagpapanatili ng kalusugan at kahandaan ng mga sundalo.
Kasama si AFP Dental Service Chief, Brig. Gen Angelica Torres, ginawaran ni Gen. Brawner ng parangal ang mga natatanging unit at tauhan ng Dental Service.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang selebrasyon ay testamento ng commitment ng AFP na isulong ang “health and wellness” ng bawat tauhan ng militar. | ulat ni Leo Sarne
📸: Pfc Carmelotes/PAOAFP